MANGALDAN NEWS / ARTICLES ENCODED
 
ANG PAGBISITA NI MAYOR BONA SA PAMILIHANG BAYAN NG MANGALDAN.
 
Kamakailan ay nag-check-up ng mga wiring sa ating palengke ang Municipal Engineering s Office, Community Affairs Office at CENPELCO. Ngayon ay mismong si Mayor Bona na ang bumisita sa ating Pamilihang Bayan upang personal na makita ang mga sira na iprinisinta sa kaniya. Matapos niyang makita ang mga litrato na kuha ng MEO at CAO ay minabuti niyang pasyalan ang mga ito, para mas lalo niyang matugunan ang mga pangangailangan ng mga nagtitinda sa palenke. Makikita natin sa mga larawan na pati mga sirang daluyan ng tubig (drainage) ay tiningnan ni Mayora. Sandaling nag-price watch din ang Mayora sa ilang mga nagtitinda ng gulay.
MANGALDAN - ALL RIGHTS RESERVED 2016